Pang-aabuso sa mga kababaihan
A. Sitwasyon ng Ating Bansa Tungkol sa Pagka-abuso ng kababaihan

Ang isyung panlipunan kagaya na lang ng Pang-aabuso sa mga kababaihan ay hanggang ngayon sa panahong ito ay patuloy pa ring tumataas ang bilang ng mga na-aabuso. Sa ating bansa, maraming mga babae ang nakaranas ng pang-aabuso galing sa kanilang asawa o kung sino man. Ang halimbawa na lang ng pang-aabuso sa mga kababaihan ay si Sisa. Sa nobelang Noli Me Tangere, isinaad ni Jose rizal na maraming halimbawa ng pang-aabuso na naranasan ng mga kababaihan. Si sisa ay biktima ng pananakit ng kaniyang asawa na walang ibang ginawa kung hindi ay magsugal at walang pakealam sa kaniyang mga anak at asawa. Sa ating bansa, maraming mga kababaihan ang nakaranas na ng pang-aabuso galing sa kamay ng kanilang mga asawa at itong mga babaeng ito ay wala man lang kalaban-laban dahil sila ay mahihina at walang panglaban para sa kanilang mga sarili.
Marami sa mga kababaihan ang takot magsumbong sa awtoridad patungkol sa ginagawa ng kani-kanilang mga asawa. Sila ay natatakot magsumbong dahil baka pag sila ay magsumbong mas lalo pa silang mapapahamak at masaktan ng mas malala. Kaya, marami sa mga kababaihan ang piniling manahimik nalang at hinayaang saktan sila ng kanilang mga asawa. Marami rin sa kababaihan na hindi nila kayang magsumbong sa awtoridad patungkol sa pang aabusong ginagawa ng kanilang mga asawa dahil labis ang pagmamahal nila nito at umaasang mapabago nila ang kanilang mga asawa. Sa ating bansa, ang mga mas naaapektohan sa pang aabusonay ang mga kababaihan, dahil minamaltrato at minamaliit ng mga kalalakihan ang mga babae dahil alam nilang wala itong panlaban sa kanila dahil sila ay mas malaki.
B. Patunay na Sitwasyon ng Ating Bansa
Maraming mga kababaihan ang nakaranas ng pang aabuso galing sa kamay ng kanilang mga asawa o di kaya kanilang mga kasintahan. Ang pang gahasa ng mga lalaki sa mga kababaihan ay isa sa pruweba na hanggang ngayon inaabuso ang mga kababaihan. Iba na ang panahon natin ngayon sa panahon natin noon, mas tumaas na ngayon sa ating panahon ang bilang ng panggahasa sa ating bansa. Ang mga babae ay nabibiktima ng ganitong mga bagay dahil wala silang kalaban laban at wala silang ibang magawa para maka alis sa sitwasyon nila. Ang pang aabuso sa kababaihan ay isang nalagim na relidad sa ating lipunan na kung saan, marami ng biktima ng pananakit sa ating bansa. Nangyayari ang pang-aabuso sa loob ng isang relasyon na ang babae ang dehado at hindi makalabas-labas sa sitwasyon na ito. Marami sa ating bansa ang may ganitong sitwasyon at sila ay dehado dahil wala silang panglaban. Pati mga bata na minorde edad ay sinasaktan at ginagahasa. Ang pang-aabuso sa mga babae ay tumaas na ang bilang ngayong taon sa ating bansa lalong-lalo na ngayon nasa ating tahanan lang tayong lahat at dagdag pa walang trabaho para mainit ang mga babae sa kanilang mga asawa.
C. Ang Maitutulong Natin sa Problema ng Ating Bansa
Upang maibsan ang pang-aabuso sa mga kababaihan, dapat natin silang hikayatin para magsalita. Habang hindi pa nangyayari ang mga bagay kagaya ng pananakit, dapat na natin silang bigyan aksyon at paalahanan sa mga dapat nilang gawin. Mas maigi rin na makinig tayo sa mga babaeng nakaranas na ng pang-aabuso sa kani-kanilang asawa para malinawan tayo kung ano nga ba ang unang aksyon o unang signal na mga ginagawa ng sila ay naabuso. Dapat rin tayong mga lalaki ay hindi tayo basta basta na lang papatol sa isang babae kung sasaktan man lang natin sila o aabusuhin ang kanilang pagkabait. Dapat hingkayatin natin ang lahat na huwag manakit ng mga babae at wag gumawa ng baga na ikakasakit ng babae o kahit sino man.
Ang mga babae ngayon kompara sa mga babae noon ay iba na rin dahil natuto na silang lumaban para sa kanilang sarili kahit papaano. Pag nakakakita ka ng babaeng nabugbog o inaabuso kahit hindi mo kilala o kahit hindi mo alam ano sng nangyayari sa kanya, karapatan mong tulungan ang babae dahil kahit sino ay walang karapatang manakit ng babae. Ipa alala sa lahat na ang tunay na pagmamahal mo sa babae ay nakabatay sa kung gaano kataas ang respeto mo sakanya at hindi mo sinasaktan. Bilang isang lalaki, dapat magbahagi ng kamalayan para maibsan natin ang problemang ito, ang pang-aabuso sa mga babae. Hindi naman naaabuso ang mga babae at nasasaktan kung walang mga lalaking mapanakit at nang aabuso sa kanila. Dapat ibahagi din at pakakatandaan na pag ginamitan natin sila ng ating kamay, para na rin sinasaktan natin ang ating ina at ang ating mga kapatid na babae. Itong mga sinasaad na halimbawa ay ang mga Isyung Panlipunan na hanggang ngayon sa kasalukuyang panahon ay nangyayari pa, inaabuso ng mga kalalakihan ang mga halaga ng mga kababaihan. Ang mga pangyayaring mga ito ay nagreresulta ng trauma sa mga nabiktima ng Isyung Panlipunan na to at maaring maapektohan sila ng malala.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento